Una sa Balita

Giannis na-foul trouble, pero Bucks ratsada pa rin

0 263

LIMITADO ang galaw ni Giannis Antetokounmpo dahil sa foul trouble, pitong Milwaukee Bucks players ang rumesponde ng double figures para i­baon ang Detroit Pistons 119-103 tungo sa 3-0 lead sa first-round series ng 73rd Eastern Conference.

Puwede nang tapusin ng Bucks ang series sa Martes (araw sa Manila) sa Detroit. Naipanalo ng Milwaukee ang first three games sa average na 24 points.

Naligtasan ng Bucks ang 27 points, 7 rebounds at 6 assists ni Blake Griffin, sa unang pagkakataon ay naglaro sa postseason matapos ipahinga ang nananakit na kanang tuhod.

“That young man is giving us everything his body will give, and we need every bit of it,” wika ni Pistons coach Dwane Casey. “He has a presence that no one else on our team can provide.”

Kita agad ang impact ni Griffin sa depensa, nakapuwersa ng dalawang turnovers sa first three possessions ng Milwaukee.

Tumapos si Antetokounmpo ng 14 points 10 rebounds, namuno sa Bucks si Khris Middleton na nagsumite ng 20 points. may tig-19 sina Eric Bledsoe at Brook Lopez na may panahog pang 7 rebounds at 5 blocks. Sampa sa double figures ang second unit nina Ersan Ilyasova (15), Nikola Mirotic (12) at George Hill (11).

May 12 points at 12 rebounds si Andre Drummond sa Nets, pero napigil din ng foul trouble. Sablay ang walo sa unang siyam niyang pukol. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy