Una sa Balita

Giannis MVP dahil sa media – Harden

0 369

HINDI pa rin nakaka-move on si Houston Rockets superstar James Harden sa pagkatalo sa MVP award kay Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.

Sa panayam ni Harden sa GQ para sa kanyang bagong sapatos, sinabi nito na bagama’t nirerespeto niya si Giannis, hindi pa rin aniya nito maiwasang isipin na nakaapekto ang mga lumalabas na report sa media kaya natalo siya sa MVP plum.

“You can’t pout or be mad, and the kid had an unbelievable season, so did his team. But the things I was putting up were legendary,” ayon kay Harden.

Sa nagdaang season ay maraming record na sinungkit si ‘The Beard’ pagdating sa scoring, gumawa ng 32-game 30-point streak, walong 50-point game at dalawang 60-point performance.

Ngunit hindi mainitindihan ng manlalaro kung bakit umano puro si Giannis ang pinag-usapan sa media.

“And all the talk was about [Giannis Antetokounmpo]? There’s no way,” aniya.

Bintang pa ng seven-time All-Star, mayroon na umanong target ang media na palanuning MVP hindi pa man nagsisimula ang season.

“It hasn’t happened yet, it’s too early. Wait until the preseason and when the regular season starts up again. But they [the media] for sure got some teams they locked in on,” giit nito.

Kung titingnan ang stats, nag-average ng 36.1 points, 7.5 assists at 6.2 rebounds si Harden sa 2018-19 season, habang may 27.7 points, 5.9 assists at 12.5 rebounds naman si ‘The Greek Freak’. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy