Una sa Balita

Giannis mag-MVP, Raptors champion

0 483

Sa kaagahan ng 2018-2019 NBA season, nag-predict po tayo na makukuha ni Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ang kanyang unang Most Valuable Player (MVP) award.

Hindi lang ‘yan, sinabi­ ko rin na maaagawan ng korona ng Toronto Raptors ang two-time defending champions Golden State Warriors.

Mabigat na prediksiyon ano po? Maaaring sumalto ako at magkamali.

Himayin natin.

Si Giannis, halos ‘in the bag’ na ang MVP award. Ang pinakama­tinding karibal niya para sa nasabing most coveted individual plum na si reigning MVP James Harden ng Houston Rockets, hindi na umabot sa Western Conference Finals.

Samantalang naka-six games sa Eastern Conference Finals si Antetokounmpo bago sipain ng Toronto Raptors ni Kawhi Leonard.

Sa championship, liyamadang-liyamado po ang Warriors, aminado tayo diyan.

Sa players match-up, lalaumin nang buo ng Golden State ang players ng Toronto: sa papel.

Pero hindi po sa papel ang labanan.

Lahat ng offensive firepower angat ang Warriors: Stephen Curry, Klay Thompson, paano kung bumalik pa sina Kevin Durant at DeMarcus Cousins.

Andiyan pa ang all-around players na sina Draymond Green at Andre Iguodala.

Pero huwag po muna natin isantabi ang Raptors, na ‘ika nga eh dehadong-dehado.

Panlaban ng Raptors ang best two-way player ng liga, killer sa opensa, hitman sa depensa, walang iba kundi si Kawhi Leo­nard.

Nakaalalay sina Kyle Lowry, Danny Green, Pascal Siakam at Marc Gasol.

Dehado pa rin kumpara sa Warriors, pero karamihan sa mga nagtatagumpay mga dehado.

Magandang series ito, abangan po natin. Sinuman manalo, magkamali man ako sa mga prediction ko, ayos lang.

Mahalaga, siguradong classic na NBA Finals na naman ito!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy