Una sa Balita

Giannis kursunada si Curry

By
0 602

WALA pang naiisip na estratehiya si Giannis Antetokounmpo kung paano didiskartehan ang NBA All-Star draft pero naiisip niyang kunin si Stephen Curry bilang first pick.

Si Antetokounmpo ang captain sa isang team bilang top vote-getter ng Eastern Conference sa fan balloting. Si LeBron James ang captain sa kabila at dahil mas maraming boto ay unang pipili sa draft mula sa pool ng starters.

Wala pang listahan si Antetokounmpo kung sino ang tatapikin sa draft sa Huwebes (Biyernes sa Manila) dahil posibleng kunin ni James ang player­s na gusto niya.

“I might pick Steph because he picked me first last year so I’ve got to return the favor,” anang Greek Freak pagkatapos ng 113-94 victory ng Milwaukee sa Brooklyn.

Pagkatapos nun ay random na raw, kung sino ang available pa.

“But I want to try to pick first-year guys, first-year All-Star guys and of course Khris.”

Tinutukoy niya si Khris Middleton, teammate niya sa Bucks na sa unang pagkakataon ay sasalang sa All-Star Game.
Sa hometown ni Curry sa Charlotte, North Carolina ang All-Star Game sa Pebrero 17 (18 sa Manila).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy