Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Giannis, Jokic sa Mythical 5

0 100

PINANGUNAHAN ng parehong two-time MVP na sina Giannis Antetokounmpo at Nikola Jokic ang All-NBA first team.

Kasama sa listahan sina Luka Doncic, Devin Booker at Jayson Tatum.

Ngayong lang nangyari sa nakalipas na 67 years na lahat ng limang ibinoto ay edad 27 o mas bata.

Si Antetokounmpo ng Bucks lang ang tumanggap ng lahat ng 100 possible first-team votes at tumapos ng 500 points sa pang-apat na sunod na first-team selection.

Related Posts

May tig-88 first-team votes sina Jokic ng Nuggets at Doncic ng Mavericks tungo sa 476 points.

Ka-liga na ni Doncic sina Tim Duncan, Kevin Durant at Max Zaslofsky bilang tanging players na naka-tatlong selections sa first team bago mag-24.

Unang pagkakataon na napili sina Booker ng Suns at Tatum ng Celtics.

Sa second team sina Joel Embiid ng 76ers, Ja Morant ng Grizzlies, Durant ng Nets, Stephen Curry ng Warriors at DeMar DeRozan ng Bulls. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.