Una sa Balita

Giannis ‘di natibag kontra Pistons

0 384

MAINIT at pisikal ang laro, pero hindi nawala ang focus ni Giannis Antetokounmpo nang bitbitin ang Milwaukee Bucks sa 127-103 panalo laban sa dinayong Detroit Pistons.

Umiskor si Antetokounmpo ng 35 points sa pang-13 sunod na pa­nalo ng Bucks, huling pagkakataon na may mas mahabang winning streak ang Milwaukee nang magtuhog ng 16 mula pagtatapos ng 1972-73 season hanggang umpisa ng 1973-74.

Anim na technical foul ang itinawag sa laro, hindi nawala ang sagutan tuwing nagpapang-abot. Una nang nagbanggaan sina Antetokounmpo at Blake Griffin sa midcourt sa second quarter.

“There’s going to be a lot of teams that are going to come out and try to be physical with me – try to hit me, knock me down to the floor,” ani Antetokounmpo. “I just got to keep my composure.”
Sa third, bagsak ang Greek Freak nang ma-foul at nilaktawan siya ni Griffin. Kinompronta ni Khris Middleton ang Detroit forward, kasunod nu’n ay pumito ang mga official ng tatlong Ts.

Nagkasa ng 13-2 run ang Milwaukee sa second quarter tungo sa 57-39 lead. Naibaba ng Pistons sa 11 sa half, pero hindi nakalapit sa final two quarters. Umiskor si Anteto­kounmpo ng 12 sa third nang lumamang ang Bucks 92-72 papasok ng fourth.

Tumapos si Middleton ng 17 points.

May 23 points at 14 rebounds si Andre Drummond sa Detroit. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More