Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Giannis, Bucks sinilat Clippers

0 108

Isinara ni Giannis Antetokounmpo at ng Bucks ang laro sa 9-0 run para sapawan ang Los Angeles Clippers 105-100 Linggo ng gabi sa Milwaukee.

Hindi pinaiskor ng Bucks ang Clippers sa final 4 minutes ng laro para kolektahin ang panlimang sunod na panalo.

Tumapos si Antetokounmpo ng 36 points, 14 rebounds at 5 assists, nag-ambag ng 19-6-5 si Khris Middleton. May 11 points at 7 rebounds pa si Donte DeVincenzo.

Kinapos ang 25 points at 9 rebounds ni Kawhi Leonard sa Los Angeles, humugot ng 16 points, 7 rebounds at 7 assists kay Paul George at 15 markers, 11 boards kay Serge Ibaka.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Tumalbog sa rim ang panabla sanang 3-pointer ni Leonard sa dulo, kinalawit ni Middleton ang rebound at ibinaon ang dalawang free throws para selyuhan ang panalo 2 seconds na lang.

“It’s great when you go against the best in the world down the stretch,” bulalas ni Antetokounmpo.

Kulang 2 minutes pa, umabante ang Milwaukee 101-100 sa dalawang free throws ng Greek Freak. Nagkaroon ng tatlong tsansa ang LA na agawin ang lead pero walang pumasok sa mga tira. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.