Una sa Balita

Giannis, Bucks martsa sa 15th straight win

0 360

WALA pa ring makapigil sa Milwaukee Bucks, sinuwag ang pang-15 sunod na panalo nang pigilin ang Orlando Magic 110-101 nitong Lunes.

Nagkamada ng 32 points at 15 rebounds si Giannis Antetokounmpo para giyahan ang Bucks.

Umayuda ng 20 points si Khris Middleton, may 12 si Dante DiVincenzo off the bench para sa Milwaukee.

Natagpas ang apat na kabit na panalo ng Orlando, pinangunahan ng 26 points ni Evan Fournier­ at 23 ni Terrence Ross.

Pasok ang 3-pointer ni Ross, na-foul pa ni Eric Bledsoe 50 seconds sa laro para tapyasin ang Bucks lead 107-101. Pero sablay ang bonus free throw niya, nakawala si Middleton sa kabila para ibaon ang sariling 3 at naselyuhan ang panalo.

Sa 21-3, magkatabla ang Milwaukee at Los Angeles Lakers sa best record ng NBA.

Binutata ni Magic forward Jonathan Isaac ang unang dalawang tira ng Bucks. Si Isaac ang league-leading shot blocker at naka-apat na rejections na sa first quarter lang at tumapos ng lima.

Sa kabila ng malamyang umpisa, umabante ang Bucks 31-18 matapos ang 14-0 run tampok ang dalawang 3s ni Ersan Ilyasova. Nasa unahan pa rin sila sa break 52-40. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More