Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Giannis, Bucks binugbog Hawks

0 94

BALIK sa lupa si Trae Young at Hawks.

Umiskor ng 25 si Giannis Antetokounmpo, sumegunda ng 22 si Jrue Holiday at pinulutan ng Bucks ang Atlanta 125-91 Biyernes ng gabi sa Milwaukee para ibuhol ang East finals sa tig-isang laro.

Lipat sa Atlanta ang Game 3 sa Lunes (araw sa Manila).

Nalimitahan sa 15 points si Young matapos umiskor ng 48 sa 116-113 win ng Hawks noong opener. Si Young ang unang player na may 45 points o higit pa at 10 assists sa conference finals game.

Sa Game 2, napuwersa si Young sa career high-tying 9 turnovers – kanya ang walo sa 13 miscues ng Hawks sa first half. Inilabas na siya kulang 4 minutes pa sa third quarter matapos ang malamyang 6 of 16 shooting mula sa field, 1 for 8 sa 3-point range.

Nagkasa ang Bucks ng 20-0 run sa dulo ng second period tungo sa 77-45 lead sa halftime, bumuka ng 30 sa halos buong second half.

May palamuti pang 9 rebounds at 6 assists si Antetokounmpo. Nag-ambag si Brook Lopez ng 16 points, may 15 points, 7 rebounds at 8 assists si Khris Middleton. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.