Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Giannis bomalabs sa Golden State

0 222

NAPAKALIIT ng tsansa ng Golden State Warriors na makuha ang isa sa pinakamatinding player sa NBA na si two-time reigning Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo.

Matapos makuha ng Milwaukee Bucks si Jrue Holiday, marami ang nagsabing mananatili si Antetokounmpo sa kanyang koponan at hindi na makukuha ng Warriors ang ‘Greek Freak’ ng NBA.

Pero nagkaroon ng konting liwanang sa asam ng GSW dahil kahit nakuha ng Bucks si Holiday, hindi naman nila nakuha ang unang pili ni Antetokounmpo na gustong maging kakampi.

Ito’y si Bogdan Bogdanovic na kung nakuha ng Milwaukee ay posibleng maging mahaba ang pananatili ni Antetokounmpo sa Bucks.

“Bogdanovic was communicated as Antetokoumpo’s preferred addition all offseason,” ayon sa Bleacher Report na sinulat ni Jake Fischer.

Pirma na lang ni Antetokounmpo sa kontrata ang hinihintay ng Bucks para masigurong makakasama nila sa 2020-2021 NBA season na magsisimula sa Disyembre 22. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.