Una sa Balita

‘GGV’ naudlot ang pag-goodbye

0 1,053

So, hindi natuloy ang finale episode ng Gandang Gabi Vice kagabi.

Baka hanggang sa Sunday pa sila.

‘Yung finale episode na guest ni Vice Ganda, sa Sunday pa ipapalabas.

Hindi pa raw kasi ready ang new show ni Vice na papalit sa GGV.

Marami pa raw kailangang ayusin doon.

Sabi ng isang malapit kay Vice, hindi pa talaga sure kung sa Sunday na nga ba ang last episode nila.

Baka nga raw abutin pa sila ng March 8.

Sabi ng isang GGV staff na ­ausap ko, sana nga raw ay finale episode na nila talaga on Sunday.

Well…

Sarah-Matteo, Mommy Divine
paboritong pulutan ng mga Pinoy sa US

Sa despedida dinner for me noong Sunday na hinost ni Binibining Pilipinas-Maja 1990 ­Precious Tongco (na nag-artista rin noong 90’s hanggang makapag-asawa siya sa Amerika), ang ­secret marriage pa rin nina Sarah Lahbati at Matteo Guidicelli ang topic.

Ang Los Angeles, California beauty guru na si Monet Lu, naaawa kay ­Mommy Divine Geronimo ­dahil naturingan na siya ang ­nagluwal kay Sarah, pero ­initsapuwera ­naman siya sa kasalang ‘yon.

“Bakit kaya? Kawawa naman si ­Mommy Divine,” sey ni Monet.

Well, ‘yan talaga ang katanungan ng lahat, na feeling ko naman ay hindi ­sasagutin ni Sarah.

Anyway, marami ang magwi-wish na magiging maayos din ang sitwasyon ng mag-asawang Sarah at Matteo sa pamilya ng una.

Panoorin sa Abante News Online:
Precious Tongco matagumpay
na negosyante sa Amerika

Speaking of Precious, ilang taon din siyang nag-artista sa ­Philippines at hindi ­naman pala planado ang ­pagma-migrate niya sa Amerika.
Na-interview ko para sa Anything Goes show ko for Abante News Online si ­Precious.

Successful business­woman siya sa Amerika at magkakaroon din ng cable TV show na iho-host.

Ang mister niya na si Noah Frank ay dating cast ­member ng Baywatch.

Uuwi ng Philippines si Precious dahil figure ­skater ang anak niyang si Sophia at sasali ito sa competition sa Philippine National ng Philippine Skating Union sa April.

Sabi ni Precious, puwede rin niyang i-try na ­mag-artista uli, pero gusto raw niya na kontrabida naman.
Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More