Una sa Balita

GFG riders mapapasabak sa Ronda Pilipinas 2020

0 438

MAKIKILATIS ang tikas ng Go for Gold Cycling Team sa pagpadyak sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race na magsisimula sa February 23 sa Sorsogon at matatapos sa March 4 sa Vigan, Ilocos Sur.

Ipaparada ng GFG ang mga batang cyclist upang harapin ang mga beteranong rider mula sa mga tigasing team tulad ng Standard Insu­rance Navy at 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines.

Gagabayan ang Go For Gold ni skipper at veteran cyclist Ronnel Hualda kasama ang mga batang kakampi na sina Daniel Ven Carino, Jonel Carcueva, Isamel Grospe, Jr., Jericho Jay Lucero, Marc Ryan Lago, Ronnilan Quita at Rex Luis Krog.

“The guys have improved since we first took them and while our target is modest this year, I will not be surprised if we will give the favored teams serious­ challenge,” saad ni Go For Gold coach at mana­ger Eds Hualda.

Ayon kay Hualda, mananatiling nakapokus ang team sa layuning makakita at makahubog ng mga young talent upang maging parte ng national team sa mga darating na panahon.

“That has been the goal by Go For Gold since the team was first formed. And we will never stop until we find and make them champions,” panapos na pahayag ani Hualda.

Ang 10-stage race ay prinisenta ng LBC at suportado ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX/SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More