Una sa Balita

GF ni Alas ‘nilandi’ ni Cabagnot

By
0 3,870

SA pananambak ng San Miguel sa Ginebra sa Game 4 ng kanilang semifinals showdown, 102-81, sa PBA Philippine Cup noong Huwe­bes ay napiling Best Player of the Game si Alex Cabagnot.

Lumagok ng 19 points, 8 assists at 5 steals si ‘The Crunchman’ para sumalang sa interbyu ni TV5 courtside reporter Selina Dagdag sa MOA Arena.

Pero sa naturang panayam, kitang-kitang titig na titig si Cabagnot habang tinatanong ni Dagdag hinggil sa na­ging performance niya sa laro.

Unang pinasala­matan ni Cabagnot ang SMB at Ginebra fans bilang pasakalye niya sa panayam.

Habang nagsasalita si Dagdag ay nakiki­pagharutan naman si ‘Crunchman’ sa isang lalaki sabay senyas niya ng ‘pogi sign’ sa kanyang sarili.

Biniro rin niya ng ‘pogi sign’ ang nag-iinterbyu na reporter sa kanya sabay ngiti rito.

Kita ang tuwa at tila kinikilig din si Alex sa presensiya ng magandang reporter sa tabi niya.

Nakadagdag din marahil sa kasiyahan niya dahil abante na ang Beermen, 3-1, sa semis at isang hakbang na lang para tumuntong sa finals sa inaasam na 4-peat ng team niya.

Si Dagdag ay girlfriend na ni NLEX ­player Kevin Alas, nagsimula umano ang relasyon ng dalawa nang mag-umpisa ang Governors’ Cup nang nakaraang taon.