Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

GF na sexy star ni Sandro Marcos, binuking ni Lani

0 956

Pinupuri ang kagandahan, kaseksihan at maging ang height ng Kapuso actress na si Sanya Lopez nang mag-attend ito ng oath taking ceremony ni Sara Duterte sa pagka-Vice President na ginanap sa Davao City.

Napansin ng mga netizens na mas matangkad pa raw si Sanya kay Sandro Marcos. At mga comments din na, “Madam First Lady ang datingan.”

Though maraming pumuri lalo na sa ganda ni Sanya sa ginanap na oath taking kunsaan, kasama niya ang mga bosses ng GMA Networks sa pangunguna nina Attorney Felipe L. Gozon at Attorney Annette Abrogar, hindi rin mawawala ang tila may mga na-turn-off kay Sanya.

Noong kampanya raw kasi, tahimik lang ito at tila maingat din ang GMA primetime series na “First Lady” na mapag-usapan o mahaluan ng totoong nangyayari sa politika ang kanilang serye, kahit pa about politics ang takbo ng kuwento.

Ngayon, kung kailan magtatapos pa lang ang First Lady, saka ito lumantad at maaaring ma-identify in-terms of her political side, which is, different sa kuwento ng ginagampanan niya bilang First Lady.

Bukod dito, tila may nagli-link na sa kanila agad ni Sandro Marcos. Lalo na bukod sa ‘di sinasadyang naibuking ni Bacoor City Representative Lani Mercado ay balita pa na ang girlfriend nito ay ang sexy actress na si Alexa Miro.

May mga netizens na nagpu-push na ‘di raw kaya kabahan na ang rumored girlfriend ni Sandro na na-meet na nito si Sanya, huh! (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.