Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gervacio kayod agad

0 55

KAPILING na ni volleyball stalwart Dzi Gervacio sa kanyang pagpapakondisyon ang ilan sa kanyang teammates sa F2 Logistics Cargo Movers.

Isang larawan ang ni-repost ni Gervacio sa kanyang Instagram story kung saan kasama nito sa pagpapalakas sina Kianna Dy, Dawn Macandili, Ara Galang at Alex Cabanos.

Isa si Gervacio, magbabalik indoor volleyball, sa mga bagong alas ng Cargo Movers na inaasahang magpapasiklab sa darating na Premier Volleyball League. Dinagdag rin ng koponan sa kanilang lineup si open hitter Shola Alvarez.

Samantala, binabalak ng PVL na simulan ang kanilang Open Conference sa darating na Pebrero 16. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.