Una sa Balita

Geronimo nagulat sa kasal kay Guidicelli

0 1,345

Habang sinusulat namin ito ay marami ang nag-aabang kung totoo ang lumabas na balitang anytime yesterday, February 20 ay ikakasal na raw sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Nagtanong-tanong kami kung gaano katotoo ang balita. Tila meron lang “nagmaru­nong” na nag-inform na ikakasal na nga raw ang dalawa.

Siyempre, kahit na unconfirmed ang balita at walang makuhang detalye ang AshMatt o Popsters, marami ang masaya kung “this is it” na nga para sa dalawa. Unang-una, parang after ng announcement na halos isang taon na palang engaged sina Sarah at Matteo, expected na ang magi­ging kasal ng dalawa ay magi­ging sobrang sikreto o confidential.

So ang siste, mukhang walang katotohanan na kahapon ay naging Mrs.

Guidicelli na si Sarah. Kahit daw ang mga staff at malamang, si Sarah mismo ay nagulat dahil wala siyang kaalam-alam na kasal na pala niya kahapon.

May taping ang “The Voice Teens” sa mismong araw na sinasabing kasal ni Sarah. At ang taping ay inaabot ng maghapon na. Eh, Battles pa naman ng “The Voice Teens” ang tine-tape nila kunsaan, isa si Sarah sa mga coach.
Bukod dito, may four taping days pa raw na natitira si Sarah for this season.

Napa-post din sa socmed account ang isa sa staff ng show at sabi nito, “Mga what time po ba ang wedding? Para double time kami sa shoot today with coach Sarah! Kasi kasama namin siya now eh. Kami na po mag-aadjust!!!” (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More