Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

German president swak uli sa puwesto

0 165

Balik-puwesto ang presidente ng Germany na si President Frank-Walter Steinmeier nang muli itong mahalal bilang pangulo.

Ibig sabihin karagdagang limang taon uling aabangan ang pagsisilbi ng nasabing lider.

Lumalabas na liyamado ito nang ikopo ni Steinmeier ang suporta ng halos lahat ng partido sa nasabing bansa, base na rin sa isinagawang secret balot ng nakakaraming mga assembly.

Si Steinmeier ay naluklok bilang pangulo sa Germany sa pamamagitan ng special assemblies na binubuo ng mga mambabatas at ilang daan nilang mamamayan.

Binanatan ng German President sa kaniyang talumpati ang Russia dahil sa patuloy na pagtayo nito ng military facility malapit sa Ukraine.

Nauna nang pinalagan ng Pangulo ang nagaganap na karahasan kasabay din ng paghirit na magpabakuna laban sa COVID ang kanyang nasasakupan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.