Una sa Balita

German natagpuang patay

0 273

TODAS nang makita ang isang German national sa harap ng kanyang tinitirhang bahay sa Barangay Bia-o, Sta. Maria, Ilocos Sur noong Biyer­nes.

Kinilala ng Sta. Maria Police Station (SMPS) ang biktima na si Hans Peter Kuhne, 73, ng nasabing barangay.

Sa report ng SMPS, nakita ng mag-asawang Mario at Mila Cabradilla ang bangkay ni Kuhne na nakahiga sa kama sa labas ng kanyang bahay.

Ayon sa SMPS, bibili umano sana ng niyog ang mag-asawa sa biktima nang makita nila ito sa harap ng kanyang bahay na nakahiga at tila hindi na gumagalaw.

Dahil dito, ipinaalam nila sa mga barangay official ang nakita.

Lumalabas na matagal nang mag-isang naninirahan sa nasabing barangay ang biktima na pinaniniwalaang may malalang sakit na posibleng rason ng pagkamatay nito. German natagpuang patay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More