Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

German diplomat, 33 pa timbog sa Makati party

0 117

Kalaboso ang isang German diplomat at 33 iba pa sa isang bar makaraang lumabag sa ordinansa ng curfew at social distancing sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Makati police chief P/Col. Oscar Jacildo ang mga hinuling banyaga na sina Chanhsavan Lexus Keoninh, 28, turistang Amerikano; Ryounseok Oh, 37, Donghyun Kim, 38, at Yongrack Choi, 39 pawang Koreano; Akhgul Rakhat, 26, Kazakhstan national; Melchert Christian, 38, Speer Robert, 32, Christoph Weber, pawang mga Deutsch national, at George Maue, isang German diplomat.

Ayon kay Jacildo, alas-10:00 ng gabi nang makatanggap ng ulat ang pulisya kaugnay sa patuloy na pag-iinuman ng mga customer ng Kartel Rooftop Bar na nasa ika-apat ng palapag ng isang gusalit sa 5921 Algier St. Brgy. Poblacion kaya’t kaagad silang nagsagawa ng operasyon.

Inabutan ng pulisya ang 34 na mga customer na bukod sa lumabag sa curfew hour ay hindi rin nasunod ang pagpapairal sa social distancing. Dinala sila sa istasyon ng himpilan ng pulisya at tumagal doon nang tatlong oras bago lumaya matapos mabigyan ng ordinance violation receipt na magpapataw ng karapatang multa sa ginawang paglabag sa umiiral na ordiansa. (Mia Billones/Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.