Una sa Balita

German, Czech bumida sa Ironman Davao 70.3

By
0 266

DINOMINA ni German Markus Rolli ang bike stage bago kumampay tungo sa panalo, naungusan ni Czech Radka Kahlefeldt si Swiss Caroline Steffen sa closing run stage para panatiliin ang korona ng Alveo Ironman Davao 70.3 presented by Petron sa Azuela Cove nitong Linggo.

Iniwan ng 2:00:50 tiyempo ni Rolli si veteran Craig Alexander, tiniis ang pananakit ng mga hita sa run part para selyuhan ang panalo sa 3:49:29 sa 1.9K-90K-21K race. Nanguna rin siya sa opening swim leg sa 23:22, naorasan ng 1:22.19 sa run.

Nagkasya sa second place si Australian Ale­xander (3:52:21), pangatlo ang kababayang si Tim Reed (3:57:18).
Nagsukatan sina Kahlefeldt at Steffen sa swim at bike stage, pero nanaig ang Czech sa run part para tagumpay na idepensa ang korona sa ­women’s side sa 4:16:52.

“I’m very happy that I could come back and win again,” wika ni Kahlefeldt “It was tough and the whole race was hard since I had to fight it out with Steffen. It’s never easy to beat her.”

Tumapos si Steffen ng 4:19:28. Pangatlo si Aussie Kirralee Seidel (4:28:37).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy