Una sa Balita

GERALD,‘DI PA HANDA SA ‘FRIENDSHIP’ KAY MAJA?

By
0 7

Nilinaw ni Gerald Anderson na hindi sequel ang Can We Still Be Friends? ng Always Be My ­Maybe, ang blockbuster movie nila ni Arci Muñoz sa Star ­Cinema noong 2016.

Sinabi naman ni Arci na tinanggap nito agad ang ­project nang mabasa niya ang script ng Can We Still Be Friends? dahil ­kuwento ito ng kanyang love story­.

Kung si Gerald ang tatanungin, kaya niya na maging kaibigan ang kanyang mga dx-girlfriend tulad ng nangyayari ngayon sa kanila ni Kim Chiu.

“Totoo na kaya kong makipagkaibigan sa ex ko at dahil ‘yan sa show na ginagawa ko.

Sobrang blessing nga siya dahil nagkaroon ako ng chance para makasama ‘yung ex ko.

“Genuinely, nagpapa­katotoo ako sa ­inyong lahat, talagang tinatanong ko siya tungkol sa buhay niya. Nagkukuwento ako tungkol sa mga nangyari sa buhay ko. ‘Yung  talagang magka­sama kami, nangu­ngumusta kami but it takes time,” ang ­kuwento ni Gerald tungkol sa ­kasalukuyan na ­sitwasyon nila ni Kim.

“It takes time,” ang ­inu­lit na sagot ni ­Gerald nang ­ta­nu­ngin tungkol kay Maja Salvador na ex-girlfriend din niya.