Una sa Balita

Gerald umamin sa pambababae

0 450

“Passionate.” ‘Yan ang unang salitang pumapasok sa isip ng mga tao kapag sinabi ang pangalang “Ge­rald Anderson”, at ang bungad ni Boy Abunda sa kanyang panayam sa naturang aktor kamakailan.

Sagot naman ng aktor na hindi niya raw kasi gustong sayangin lahat ng mga opportunity na ibi­nibigay sa kanya.

Nagkuwento naman siya tungkol sa pagiging super fan-boy niya sa Hollywood star na si Robert Downey Jr. o mas kilala bilang Ironman ng “Avengers.” Passionate nga raw ang aktor sa pagiging fan sa nasabing Hollywood star simula 2008. Dito rin daw kumukuha si Gerald ng motivation sa lahat ng projects na natatanggap niya.

“Surreal” kung ilarawan ng aktor ang kanyang naramdaman nang makita sa personal ang kanyang idolo sa isang presscon sa South Korea, kinuwento pa niya kung paano niya nakita si Ironman na sumasayaw pa habang papa­labas ng stage. Hindi naman daw niya ito nalapitan kahit fan-boy siya. Nahihiya raw kasi siya pero masaya na nakita sa personal ang paborito niyang Hollywood star.

Sa sobrang pagka-fan pa nga ni Gerald, nagaya pa nito ang kilos ni Robert kapag sumasayaw.

Sa tweets naman ng mga fan kaugnay sa naging panayam kay Gerald tungkol sa experience nitong makita si Ironman nang personal, marami ang nainggit at hinihiling na ma-meet rin nila si Robert Downey Jr.

At sa interview ni Boy sa kanya, umamin siyang tulad ng kanyang idolo, dumaan rin siya sa pagiging babaero. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy