Una sa Balita

Gerald todo emote sa Romblon

Kapiling ang dagat, buhangin, paglubog ng araw

By
0 2,612

Smile more, ang paepek ni Bea Alonzo sa kanyangNInstagram stories. Bukod siyempre sa pagpo-post ng sunod-sunod na schedule niya para sa promo ng Kasal movie nila nina Derek Ramsay at Paulo Avelino.

Eh, nasaan naman si Gerald? Nagpapraktis ba siya ng basketball sa Marikina, lalo na at pasok na siya bilang player sa naturang team?

Anyway, hindi natuloy ang praktis ni Gerald kasama ang kanyang mga teammate sa Marikina last Wednesday dahil nagliwaliw sa Romblon ang ex-boyfriend ni Bea.

Yes, nagkagulo nga ang mga taga-Romblon, at ma­kikita ang mga komento nila sa Instagram account ni Gerald, dahil sa biglaang pagsulpot doon ng guwapong aktor.

At sino naman ang kasamang babae ni Gerald? Ay, wala po siyang babae na kasama!

Makikita sa IG stories niya na puro lalaki ang kasama niya. May isa pang video si Gerald na nakasuot siya ng orange shirt na may nakatatak na coast guard, na suot din ng iba niyang mga kasamahan habang nasa gitna ng dagat.

Anyway, marami rin ang na-puzzle, nag-isip sa dalawang magkasunod na video na pinost ni Gerald. Isa nga ‘yung kuha ng mga paa niya habang naglalakad sa buhanginan papunta sa dagat (Bon Bon, Romblon) at isa rin ‘yung kuha ng mga paa niya na ang background ay ang malinis na tubig dagat, na nag-pan sa sunset.

Parang may kadramahan nga ang mga video na ‘yon ni Gerald. Parang sinasabi ng mga video niya, lalo na sa pag-focus sa mga paa niya na, ‘Saan ba siya dadalhin ng kanyang mga paa’ sa panahon na kailangan niya ng karamay?

Nag-e-emote nga si Gerald, ganiyan ang feeling ng mga fan niya. Kaya itigil na raw ang hinala ng iba na parang balewala lang kay Gerald ang nangyaring hiwalayan sa kanila ni Bea.

May mga sumisita na naman kasi kay Gerald, na naku, ayun ang binata, nagpapakaligaya na naman, matapos i-announce ni Bea na hiwalay na talaga sila.

Pero ang tingin nga ng iba, nag-e-emote si Gerald, na mas ginustong makapiling ang dagat, buhangin, sariwang hangin, at ang paglubog ng araw sa mga oras na ito.

Anyway, may mga mensahe rin sa Instagram ni Gerald, na sa tingin ko ay eksakto, o sakto rin sa naiisip ng karamihan. Hindi ito panlalait, bashing, at sa tingin ko ay makabuluhan, sa paraan na baka nga kailangan ding magmuni-muni ng binata sa madalas na kinasusuungang sitwasyon ng buhay niya, lalo na sa pakikipagrelasyon.

@annebestoso, “@andersongeraldjr you know what I think this is the time that you need to ask yourself and internalize if you are still doing it right when it comes to your relationship cause you already have a lot of ex relationship that ended not good, maybe its you now… you are the problem not the girls around you or not that you did not find the right girl yet MAYBE YOU NEED TO CHANGE MEN.. JUST THINK ABOUT IT… it’s for your own good.”

Mula kay Kim Chiu, Sarah Geronimo, Maja Salvador, at Bea Alonzo nga. Bukod pa ‘yung sinasabi nilang non-showbiz, ha!

Pero come to think of it, masyado na bang mara­ming babae na nagdaan sa buhay ni Gerald? Hindi pa naman, ‘di ba?

Mas maraming artistang lalaki kaming kilala na hindi na mabilang sa mga daliri nila ang nakarelasyon nila, bago pa sila lumagay sa tahimik.

At sabi nga ni Bea, okey sila ni Gerald. At okey na okey na rin naman sina Kim at Gerald ngayon. At si Maja, may dyowa na rin siyang non-showbiz. 

FFCCCII, GMA, magkatuwangsa pagtulong sa Marawi

Ang GMA Kapuso Foundation, Inc. (GMAKF) ng GMA Network, Inc. na pinapa­ngunahan ni chairman Atty. Felipe Gozon ay tumanggap ng pinakamalaking donasyon na P2.25 mil­yon para para sa Rebuild Marawi Project nito, mula sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na pinamumunuan ni President Domingo Yap. Magtatayo sila ng 3 public school sa gitna ng lungsod ng Marawi na winasak ng digmaan laban sa mga terorista.

Ang FFCCCII ay may proyektong Operation Barrio Schools mula pa noong 1961, nagtatayo at nagbibigay sila ng mga pampublikong mga paaralan sa mga mahihirap na mga baryo sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas.

Kasama ni Chairman Gozon sa pagtanggap ng donasyon ng FFCCCII ay sina GMA Network president Gilberto Duavit, Jr., GMA Kapuso Foundation EVP at COO Rikki Escudero-Catibog at GMA Network VP corporate affairs and communication Angel Javier Cruz. Kasama ni President Yap sa pagbigay ng donasyon ang mga opisyal ng FFCCCII tulad nina EVP Henry Lim Bon Liong, first vice-president Mary Go Ng, VP William Gosiaco at iba pa.

Ang FFCCCII ay nagbigay din ng tulong na nagkakahalagang P10.1 milyon para sa mga biyuda at pa­milya ng mga nasawing mga sundalo at pulis sa Marawi.

Sabi ni FFCCCII President Domingo Yap: “Sa ngalan ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc., nalulugod akong iabot ang aming donasyon ng 2.25 million pesos sa GMA Kapuso Foundation para sa rehabilitasyon ng mga paaralan sa Marawi. Inaasahan namin na ito ay makakatulong para sa rehabilitasyon at pagbabagong-tatag ng mga nawasak na mga pampublikong paaralan.”