Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gerald Santos sa virtual fashion show

0 182

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ko ang isang sikat na International Broadway Star at Prince of Ballad na si Gerald Santos sa isang photoshoot na aming isinagawa kamakailan lamang para sa isang virtual fashion show. Mabait at napaka humble na tao si Gerald kahit alam natin na sya ay sikat at may malaking pangalan na sa industriya.

Abala ngayon si Gerald sa promotion ng kanyang nalalapit na concert na kung saan ay makakasama nya ang multi awarded International Broadway Superstar na pinagmamalaki ng ating bansa na si Ms. Lea

Related Posts

Salonga.

” The Great Shift“ ang title ng Virtual Concert. Gaganapin sa October 17,2020 ika 9 ng gabi . Pwedeng bumili ng ticket para maka connect sa live streaming. Nakakatiyak na isa na naman na matagumpay na concert ito dahil sa magagaling ang mga tampok na mang -aawit.

Kinabibilangan din nila Andrew Fernando isang Renowned International Baritone, Joreen Bautista isang International Stage Actress at Elisha Pontanares, grand Champion ng Asia’s Best Singing Competition. Ang musika ay sa direksyon ni Joed Balsamo at ang over all concept, script at direktor ay si Antonino Rommel Ramilo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.