Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gerald niregaluhan ng motor ang alalay

0 196

Sinorpresa ni Gerald Anderson ang kanyang long-time assistant na si Jalal Laidan nang regaluhan niya ito ng bagong motorsiklo.

Birthday ni Laidan nang ihatid mismo ng aktor ang motorsiklo sa kanya. Hindi nakapagsalita sa tuwa si Laidan dahil hindi niya inaasahan na reregaluhan siya ng kanyang amo ng gano’ng kaganda at kamahal na motorsiklo.

Sa inilabas na video ni Anderson sa Instagram, ilang beses siyang niyakap ni Laidan at nagtatatalon pa ito sa sobrang tuwa.

“Marami salamat sa lahat po! Dream come true! Thank you so much my boss my brother! @andersongeraldjr,” post ni Laidan sa Instagram.

Mabilis ding sinubukan ni Laidan na patakbuhin ang motorsiklo.

Pinusuan ito ng maraming netizen dahil pinakita ng aktor ang kanyang pagiging mapagmahal sa mga taong loyal sa kanya. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.