Una sa Balita

Gerald ninakawan

By
Gerald Anderson
0 1,407

Pinagnakawan ang sasakyan ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Naka-park sa garahe ng kanilang bahay sa Quezon City ang pickup vehicle ni Ge­rald nang pagnakawan ito ng isang hindi pa nakiki­lalang lalake.

Ayon sa balita ng DZBB, mabilis daw na nahuli ang suspek at napag-alaman ng mga awtoridad na isang construction worker. Dagdag na impormasyon pa na ang suspek ay anak daw ng dating cook nina Gerald.

Kabilang sa ninakaw na mga gamit sa sasak­yan ng aktor ay sapatos at tatlong damit ng perso­nal assistant niya.

Abante Hiring – IT dep

As of this writing ay wala pang nakukuhang comment mula sa aktor o sa mga taong malapit dito.

“Grabe ang la­kas naman ng loob ng magnanakaw na pasukin ang house niyo. Mabuti na lang nahuli rin yung magnanakaw. Ingat palagi lodi Gerald. Good luck sa games niyo,” reaksiyon ni @iaaiimie45.

“Kaya huwag magtitiwala basta-basta na kahit kanino,” warning ni @Khyber_royal.

Anyway, kilala si Gerald na mabait na kaibigan. Mapagbigay rin siya sa mga taong nangangailangan. Makikita nga sa Instagram account niya ang madalas na pasasalamat ng mga tao sa mga ibinibigay niyang regalo, o tulong.

“Thank you bro Ge sa bag na bigay mo sa amin. Ang bait mo talaga kaya ka pinagpapala,” sabi ni @peterlisbutel.

“Si Gerald nagsi-share talaga namimigay kaya bless din siya palagi. Hindi gaya ng iba na mga fan lang ang gumagastos. Kaya hindi ako nanghihinayang na gumastos kay Ge­rald para suportahan siya, kasi marunong siyang mag-share,” sey naman ni ­@mae_gamayao.

Siyanga pala makikita rin sa Instagram ni Gerald ang team building nila ng mga kasamahan sa basketball team. Siyempre, si Gerald ang host ng team building na ‘yon, at ibang-iba nga ang kaliga­yahan ni Gerald kapag mga kapwa niya basketbolista ang kasama niya.