Una sa Balita

Gerald, Nash nawala ang kayabangan sa Camp Tecson

0 293

Ilang araw ngang iniwan nina Gerald Anderson, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores at Elmo Magalona ang pagiging artista at sumailalim sa Soldier Skills Orientation Training sa Camp Tecson, Bulacan noong nakaraang linggo.

Boluntaryo silang sumabak sa tatlong araw na training na sumubok hindi lang sa kanilang pisikal na lakas kundi pati na rin ang mental at emosyonal na kakayanan.

Ibinahagi ni Gerald, Team’s Company Commander, “We knew if we graduated, we would have the privilege of being in the Philippine army reservist. Alam namin na after nito this would also help us portray Philippine scout ranger in our TV series – A Soldiers Heart.”

Para naman kay Yves ay isa itong kara­ngalan.

“The ranger training segregates boys from men. Natutunan ko ang value ng discipline, camaraderie and the love for our country,” sabi ni Yves.
Kinilala naman ni Jerome Ponce ang mga hirap na dinaranas ng mga sundalo sa araw-araw.

“Ang mga army, soldiers, rangers ang real heroes kasi wala tayong alam how they live everyday mula sa training hanggang sa battlefield… all they want is to make our country free and safe.”

Sabi naman ni Elmo, “They showed us na kailangan mong mapagdaanan ito bago mo mapatunayan na gagawin mo ang lahat, mapagtanggol lang ang iyong bansa. Ang pinakamahirap at pinaka-memorable sa training para sa akin, ay ‘yung pangatlong araw namin sa camp. ‘Yung pag-akyat namin ng bundok daladala ang bandolier, rucksack at mga baril namin,” pagbabahagi ni Elmo.

Naging matapang man sa mga pinagdaanan, nagkaroon din sila ng pagdadalawang-isip habang sumasailalim sa matitinding training.

“Ilang beses ko na gusto mag-quit to the point na tumakas ako nu’ng first night para lang makatulog at makatawag na gusto ko na umuwi kasi feeling ko hindi ko kaya dahil unang una ‘di naman ako physically active na mahilig mag-gym or tumakbo,” kuwento ni Nash, na pinakabata sa grupo.

Ngunit na-realize niya na ang training na binigay sa kanila ay hindi lang para sa pisikal na kakayanan kundi pati na rin sa kanilang mentalidad.

Sa huli, marami mang mahirap na pinagdaanan ang mga aktor, sila’y nakapagtapos at nagbigay ng bagong perspektibo sa buhay bilang mamamayang Pilipino. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy