Una sa Balita

Gerald nasarapan sa naked cake ni Bea

0 885

abante-paistaran-dondon-serminoWinner talaga si Bea Alonzo. Naka-graduate na nga siya sa pagbi-bake, at last Saturday night nga ay nag-graduation dinner pa siya, kasama ang mga mahal sa buhay.

Ang sosyal nga nung #BakedByBea (Gradua­tion Dinner) niya, na mistulang family affair talaga. Pati ang menu sa dinner ay alam mong pinaghandaan talaga ni Bea.

Super pasalamat nga si Bea sa mga Chef na nagturo sa kanya para maging mahusay sa kusina.

At siyempre, nandun din ang boyfriend niyang si Ge­rald Anderson, na makikita nga sa video na nag-perform pa, ha! Na dapat lang naman, dahil si Bea nga, nagpupunta rin sa basketball practice ni Gerald, eh.

Anyway, ang happy nga ng buhay ni Bea ngayon, na parang wala na siyang mahihi­ling pa. Ang ganda ng career niya, na naglagare nga sa dalawang pelikula, at nagawa na niya ang gusto niyang gawin, ang matutong mag-bake, at sobrang tahimik ang relasyon nila ni Gerald.

At siyempre, ipinatikim ni Bea ang masarap na cake na siya mismo ang nag-bake. Na sa simula ay makikita sa IG stories niya na ang deskripsiyon niya ay ‘naked cake’.

Tuwang-tuwa at sarap na sarap nga ang mga bisita niya sa pa-cake niyang ‘yon, ha! At yes, kasama si Gerald sa sarap na sarap sa cake ni Bea.

‘Along With The Gods’ nakipagpukpukan sa KathNiel

Iba rin talaga ang karisma ng mga Koreano sa mga Filipino. Na kahit ang mga pelikula nila na ipinala­labas sa Pilipinas ay pinipilahan talaga.

Tulad nga nitong Along With The Gods: The Last 49 Days na ni-release ng Viva Films, nakikipagpukpukan talaga ito sa takilya sa pelikula ng KathNiel, at pati na rin sa horror movie na The Nun, ha!

Anyway, ano nga ba ang lihim ng kanilang mga nakaraan at ang alaala ng kanilang mga dating buhay? Yan nga ang matutuklasan sa Along With The Gods.

Sa kuwento, kung matutulungan ng tatlong Afterlife Guardians ang 49 na kaluluwa na ma-reincarnate sa loob ng isang milenyo, sina Gang-lim (HA Jung-woo), Hewonmak (JU Ji-hoon), and Deok-choon (KIM Hyang-gi), na pinangakuan mismo ng hari ng Afterlife na si Yeomra (LEE Jung-jae) ay magkakaroon ng isa pang pagkakataon para muling mabuhay.

At upang maisakatuparan ang kanilang misyon, pinili ng tatlong Guardians si Su-hong (KIM Dong-wook) bilang kanilang pang-49 na kandidato. Ngunit marami ang duda kay Su-hong dahil minsan niyang binulabog ang mundo ng mga kaluluwa ng maging mapaghiganting espiritu ito sa mundo ng mga buhay.

Ayon kay Director KIM Yong-hwa, sa unang pelikula na The Two Worlds, tinutukan nila ang paggawa ng kapani-paniwalang mundo, upang sa pangalawang pelikula na THE LAST 49 DAYS ay mas matutukan nila sa pagbuo ng mga karakter.

Isa pang aabangan sa pelikulang ito ay ang mga kakaibang CG effects at magagandang production designs na nagbigay-buhay sa mga makatotohanang mundo at lugar sa pelikula.

Katulad ng high-grossing prequel na Along with the Gods: The Two Worlds, ang Along With The Gods: The Last 49 Days ay nag-record ng all-time highest opening admission sa Korean movie history. Biggest opening week for any Korean film in North America, Australia, New Zealand and Taiwan as well.