Una sa Balita

Gerald napatili ng ‘OMG’ sa paghuhubad ni Enchong

0 428

abante-paistaran-dondon-serminoBinulabog ni Enchong Dee ang social media kahapon, dahil na rin sa pag-post niya ng photo niya sa Instagram na ‘brief’ lang ang suot.

“I have a new fa­mily. #MensClubByAvon defines what a Modern Gentleman is – kind, accountable, respectful, passionate, and caring. Kudos to the team of the launch yesterday… I saw not only models but a diverse and inclusive set of gentlemen. #Respect to @avonph,” caption ni Enchong.

Pero, kaaliw, at klasik talaga ang reaksyon ng mga kaibigan niya sa showbiz, tulad ni Ge­rald Anderson.

“OOOOOMMMMMGGGG … @rayvercruz @mr_enchongdee!” sabi ni Gerald, na all caps talaga ang comment, at nagtutumili nga ang dating.

“@andersonge­raldjr why am i not surprised … !” reaksyon naman ni Enchong sa komento ni Gerald.

Hirit naman ni rayvercruz, “@andersongeraldjr this guyyyyyy I really cantttttt!!! Ugh!”

Sagot naman ni Enchong, “@rodjuncruz punta ako ng south… bentahan ko kayo ng products namin ah!”

Tila sinermunan naman ni Pokwang si Enchong sa mensahe nito…

“Hoy ikaw bata ka @mr_enchongdee nasan na damit mo???? magbihis ka nga don! nasan ang pamalo ko??????”

Sagot ni Enchong, “@itspokwang27 magbibihis na po nay! Mainit kasi tapos wala pang tubig.”

Anyway, siyempre ay nagpiyesta rin ang mga fan, lalo na ang mga bading sa paglalantad ng hubad na katawan ni Enchong. Eh, super kisig naman kasi ni Enchong, at matatakam ka talaga.

Pagdating sa bukol, dahil itim ang suot niyang underwear, walang masyadong nasilip.

Wanted: ‘Augustus Ambassador’

Maganda, o guwapo ka ba? May edad na 16 to 30? May taas na 5’2” para sa babae, at 5’5” sa lalake? Pang-modelo ang dating? Well, kung may ganyan kang mga katangian, ito na ang chance mo na yumaman, at sumikat.

Sali na sa Scent Ambassador of the Philippines 2019 by Augustus, at manalo ng mahigit P100,000 cash. Magaganap ang grand coronation night sa Music Museum sa Agosto.

Para sa mga detalye, tawag lang sa 0908-555-6850/0917-618-5544. O mag-email lang ng inyong resume at photo sa richardhinola@yahoo.com.

Makikita sa larawan sina Jack Jakosalem (owner­/CEO Augustus), Richard Hinola, Robert Regencia, Richard Martin, Luther John Lim, EJ Calucad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy