Una sa Balita

Gerald nakabangon na sa pagkawasak kay Bea

0 333

Super guwapo ulit:

Naging mahinahon, pasensyoso at mapaghintay na sumabak sa training sa military si Gerald Anderson para sa lalabas nilang serye, ang “A Soldier’s Heart” na mapapanood na sa January 20 sa Kapamilya network.

Ibang disiplina sa pag-iisip at trabaho ang natutunan ni Gerald sa pinagdaanan niyang hirap sa training, kaya naman nu’ng mga panahong binugbog siya ng mga panghuhusga ng marami kaugnay sa break up at ghosting issue sa kanila ni Bea Alonzo at sa pagkaka-link niya kay Julia Barretto, naging mahinahon lang ang aktor.

Sabi niya sa presscon ng kanyang serye, inisip niya ang kanyang kinabukasan, ang trabaho at ang mga taong umaasa sa kanya kaya hindi siya nagpaapekto sa mga isyu.

Naka-recover na nang husto si Gerald sa pananambang ng mga basher sa kanya, dahil umaalingasaw sa kaguwapuhan ang itsura ng aktor sa presscon at special screening ng kanilang serye.

Napanood na namin ang first week pilot episode na ito na dinirek ni Richard Somes, at dito muling hahangaan ang husay ni Gerald bilang isang sensitive actor.

Ang galing-galing ni Gerald sa kanyang mga eksena, pati na ang lahat ng mga kasamahan niya sa serye. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More