Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gerald nailang magbuyangyang ng bukol kay Yam

0 67

Inamin ni Gerald Anderson na sobrang nailang siya sa eksena na kailangan niyang humarap kay Yam Concepcion na ‘underwear’ lang ang suot.

“Nakakailang, na nakakatawa ang eksena na nag-brief ako.

“Ang set up kasi, ang eksena tuloy-tuloy kami.

“Lumapit sa akin ang wardrobe, binigay ang brief. Sabi ko, ‘ano to, bakit brief lang?’ Yung una, parang speedo pa ang binigay, na sobrang revealing talaga.

“Sab ko, hanap tayo ng ibang brief, hindi pa ako ready sa ganiyan. Sobrang bakat kasi.

“Nabigla ako. Pero noong ginawa namin ang eksena, eh, unang pagsasama namin ni Yam ‘yon, kasama yon agad. Pero, ang mga director namin very protective.

SM food to go Banner Ad

“Ang ginawa ni Direk, nag-brief din siya sa harap namin, para ipakita sa akin na para maging kumportable ako. ‘Yung effort niya, ‘ganito gawin mo’, nag-brief lang siya, malaking bagay `yon.

“Masarap makatrabaho ang mga direktor na sobrang passionate. Hindi naman niya kailangang gawin `yon, pero pinakita niya sa akin.

“Nakakailang talaga, sa totoo lang. Kasi hindi lang kami ni Yam ang nandoon, meron kaming 30 na tao sa likod ng kamera.

“Kaya very thankful ako na may nakasama ako na ganun ka- professional na tao,” sabi ni Gerald.

Well, halo nga ang reaksiyon ng mga tao sa pasilip na `yon ni Gerald. May nagsasabi na wala raw bukol, may nagsasabi na katakam-takam daw, kaya raw pala pinag-aagawan ng mga babae.

Pero para kay Gerald, sa rami raw ng mensahe, komento ng mga fan, ang pinakagusto niya ay `yung nagsabi na makabuluhan ang trabaho nila, na nakapagbigay sila ng kaligayahan, lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.