Una sa Balita

Gerald na-injure sa Basilan

0 462

Nanghinayang si Gerald Anderson sa dapat sana’y na-maximize niyang pagbisita sa Basilan.

Naka-post sa Instagram wall ni Gerald ang video nang pagdalaw nito at ng kanyang team sa Basilan.

Mapapanood na nagtungo ang aktor sa isang barangay at hindi lang siya nakipagkulitan sa mga bata sa court, tinuruan pa niya ang mga ito ng mga exercises sa basketball.

Hindi nga lang nagawang maglaro ng aktor sa kanyang team para sa isang exhibition game dahil na-injure ito.

Nagpahayag ito ng panghihinayang sa pinalagpas nitong pagkakataon pero nagawa pa rin niya ang intensyong maturuan ang mga bata.

Hindi nakasaad sa post ni Gerald ang detalye o rason ng pagbisita nito sa Basilan, pero kilala naman ang aktor sa advocacy nitong abutin ang mga salat sa buhay na mga kababayang Pinoy at palaganapin ang sports.

Humupa na ang galit ng mga netizen kay Gerald.

Wala nang gaanong masasakit na salita ang pinupukol sa Kapamilya aktor kaugnay sa break-up nila ni Bea Alonzo.

Bea Binene panira ang malaking puson

Kahit pumayat na, hindi pa rin buo ang kumpiyansa ni Bea Binene sa kanyang beauty, partikular na sa katawan.

Super-takip ng kanyang braso ang Kapuso actress sa puson nito para hindi makita ang kabuuan nito sa pagharap sa kamera at malapitang shot dito.

Makikita ang photo post na ito ni Bea sa ikalawang larawan sa Instagram wall nito na nakasuot siya ng puting t-shirt na hanggang ribs lang at litaw ang bandang itaas ng kanyang tiyan.

Naka-semi profile si Bea sa unang larawan at high-waist ang suot niyang jeans kaya hindi masyadong lantad ang kanyang tiyan.

Pero sa ikalawang photo na nakaharap sa kamera, tinakpan na ng braso ng aktres ang kanyang tiyan.

Kahit mataas ang paha ng pantalon nito, bakat pa rin ang puson nito.

Walang dudang napakaganda ng mukha ni Bea at takaw-pansin ang malaki niyang boobs.

Pero gaya ni Angelica Panganiban na nabiyayaan ng magandang mukha at malaking dibdib, nabiyaan rin ito ng malaking tiyan at puson, na kahit maging buto’t balat na ito, hindi na iimpis ang mga parteng ito.

Jericho Rosales goodbye showbiz na

Halos wala nang panlasa si Jericho Rosales sa buhay-Maynila kung ang pagbabasehan ay ang post nito na nagsu-surfing sa dagat, at naglalagalag sa buong isla nang naka-motor.

Buhay na buhay ang aura ni Jericho sa island life niya.

Hinahangaan ng kanyang mga kaibigan at socmed follower ang husay nito sa surfing na nagga-glide lang sa ibabaw ng mga alon.

Kinaiinggitan si Jericho ng mga kaibigan dahil sa payapa at simple nitong pamumuhay sa isla.

Hindi na nagtataka ang mga fan nito na buhay-isla o dagat ang pipiliing buhay ng aktor kung gugustuhin nitong mag-semi retirement sa showbiz.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More