Una sa Balita

Gerald feeling stalker kay Bea

0 688

Binuking ng faney:

Buking si Gerald Anderson sa pag-i-stalk kay Bea Alonzo, ha!

Ibinuking nga ng Instagram account na @minhonogood ang eksena, sa pamamagitan ng pagre-repost naman niya ng Instagram post ni @beaian_venelonzo, ang fan account ni Bea.

Makikita nga sa IG post na ‘yon na binu-view raw ni Gerald ang Instagram story ni @beaian_venelonzo. Eh, ang karamihan naman ng mga IG story roon ay mga pinu-post din ni Bea, o mga IG post, story na may kinalaman nga kay Bea, at minsan ay kay Ian Veneracion.

Heto nga ang chika ni minhonogood: “Posted @withregram @beaian__venelonzo Alam nio nananahimik ako dito tas sugod kau ng sugod at binabanatan nio idol ko na wala nman ginawang masama sainyo 🤨 kya ito para sainyo crush pla ako ng idol niong stalker kaya mgsitigil na kau tatanda nio ng basher pa kau . nakakaloka si budoy. stalk ng stalk sa fan account ni bea. bored much budz?🤣

#notobashers #beaalonzo.”

Sey naman ni itsemiegamutan: “Hahahaha!! Wag pa obvious stalker lang ang peg. Blooming na blooming c Bea ngaun eh dedma na lang xa.”

i_m_tat: “Let him. Gusto lang niyan ng publicity, promo pa more para sa nanlalamig na serye. Guest sya sa jeepney tv this sunday, not that i am following him (care ko ba sa kanya) jeepney tv ang bet ko, anyway, sa teaser mukhang si Ate Gurl ang isa sa topic, as usual, pa victim effect ang buds (short for budoy)…”

Well, minsan nga kasi sa Instagram, may napipindot ka nga na mga IG story, na hindi mo inaasahan. Malay naman natin kung hindi sinasadya ni Gerald, ‘di ba? Pero, malay rin naman natin, na baka nga gusto pa rin talaga makita ni Gerald ang mga aktibidades ng ex-girlfriend niya. At hindi naman niya puwedeng masilip ‘yon sa mismong account ni Bea, lalo na kung ‘blocked’ ka na, or kung nahihiya ka na malaman na sinisilip mo pa rin ang account na ‘yon.

Ay, dami suspetsa, ha! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More