Una sa Balita

Gerald, Enchong napatili ng ‘OMG’ sa husay kumanta ni Rayver

By
0 864

Mas nakilala si Rayver Cruz sa kanyang husay sa pagsayaw, pero maraming netizens ang nagulat sa husay pala nitong kumanta. Sa nakaraang episode ng Studio 7, nakipag-duet ito kay Julie Anne San Jose at nakatanggap ng maraming positive comments ang performance ni Rayver sa social media.

Heto ang post ni Rayver sa Instagram:

“Kung Di Rin Lang Ikaw” “Mundo” ➡️➡️➡️ Versions prod w/ @myjaps 🤙🏻✌🏻 samahan nyo Kaming lahat ulit this Sunday guys sa studio 7!!! 7:40 pm! 👍🏼💥🕺🏻🕺🏻 #Studio7 #GMA”

Napatunayan daw ni Rayver na may dugong Cruz siya dahil luma­bas na ang talento nito sa pag-awit. Kabilang sa mga namangha sa pag-awit ni Rayver ay ang mga dati niyang kasamahan sa ABS-CBN 2 na sina Gerald Anderson at Enchong Dee.

Base sa mga comments nila ay hindi nila alam na gano’n pala kagaling kumanta ng live si Rayver. Nakakasama lang daw kasi nila ito sa mga big dance number.

Comment ni Gerald: “Omg Omg Omg OMG! @rayvercruz @mr_enchongdee I cannot..”

Comment naman ni Enchong: “@andersongeraldjr I never thought he could sing omg! IBA! Total performer!”

Maraming netizens naman ang kinilig sa pairing na ito nila Rayver at Julie Anne sa Studio 7. Dapat daw ay bigyan sila every week ng duet dahil bagay ang mga boses nila sa isa’t isa.