Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gerald bumango, napatawad ng mga fan dahil kay Pia

0 42

Mahina si Gerald Anderson sa YouTube. Katunayan, ang mga video niya ay kailangan pang umabot ng ilang buwan bago makatungtong sa 100,000.

Kadalasan, nasa 20,000 lang ang view niya sa loob ng dalawang araw, na malayong-malayo sa vlog ng ibang sikat na artista, na sa loob ng isang oras, halob umabot na sa kalahating milyon ang nanonood.

Ang pinakamataas na video niya ay `yung guest niya si Julia Barretto, na sa ngayon ay may 2M view na. ‘Yun nga lang, pag binasa mo ang mga komento, karamihan ay negative, at tinitira talaga si Julia, dahil na rin sa sinabi niyang hindi pa siya nakakatikim ng isaw, pero `yun nga, kumalat ang mga video na noon pa man ay nakatikim na siya ng isaw.

Anyway, ibang-iba naman ang senaryo sa YouTube ngayon, na ang kasama niya ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Pinalabas nga ang movie nila na ‘My Perfect You’ sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Cinema (may 4.65M subscribers). At yes, bentang-benta ito sa mga fan, ha!

Imagine, sa loob ng tatlong araw na nag-number one trending nga ito. Na may 1M view na agad-agad, ha!

At ang maganda pa, puring-puri si Gerald ng mga fan. Sabi nga ng mga netizen, maganda ang chemistry nina Pia at Gerald, at gusto nila ang pelikula ng dalawa, na hindi predictable, dahil may bonggang twist sa huli.

Puring-puri rin nila ang akting ng dalawa, na para sa kanila ay best movie ito ni Gerald, at si Pia, bukod sa bongga na rin umarte, super ganda at seksi rin sa movie.

May mga fan din na nagsabing hindi talaga nila like si Gerald, lalo na sa ginawa raw nit okay Bea, pero sa movie na ito, hindi puwedeng hindi nila ito purihin, dahil sa husay umarte.

Sabi pa nila, hindi nga perfect na partner si Gerald, pero perfect ito bilang artista, dahil hindi maitatanggi na mahusay umakting.

Well, si Pia lang pala ang puwedeng makapagpabango sa image ni Gerald, ha!

Alindog binalandra sa YT:

Ivana kinasahan ni AJ Raval sa paghuhubad

Panalo rin sa mga subscriber ang vlog ni AJ Raval, anak ni Jeric Raval, na nagpapaseksi nga sa harap ng kamera.

Nag-ala-Ivana Alawi kasi siya, na nagka-carwash na suot lang ay kamison, at halos lantad ang katawan.

“Quick vlog lang ito, kasi baka mahuli ako ng tatay ko. Hindi ko talaga alam kung paano mag-carwash,” sabi ni AJ.

Pero, sa totoo lang, obyus naman na hindi siya marunong mag-carwash, na panay lang ang tutok niya ng tubig sa sasakyan. Na bagamat sinabon niya ang sasakyan, pero kitang-kita naman na hindi talaga lahat ay nalilinis niya.

Kaloka nga na bakat na bakat ang boobs ni AJ sa video niya. Pero, nagmamadali talaga siya dahil baka raw mahuli siya ng tatay niya.

Anyway, sulit naman dahil nag-number 4 trending siya sa YouTube sa loob ng isang araw. Naka-4M view agad ang video niya.

Sa bandang dulo ng video ay naligo na rin siya sa tabi mismo ng sasakyan. Kaya mas lalong bumakat ang alindog niya.

Pero bigla ngang sumulpot ang tatay niya, at pinagalitan siya.

“Maglilinis lang ng kotse, ganiyan suot mo. Tingnan mo oh, ang daming nanonood sa iyo! Habang sinisipag ka, isama mo na lahat ng kotse, linisin mo na!” sabi ni Jeric sa anak niya.

Si AJ ay kasama sa pelikulang Nerisa, na pinagbibidahan ni Cindy Miranda, na mapapanood sa Vivamax.

Bida rin sa ‘Nerisa’ si Aljur Abrenica, Sean de Guzman, na mula sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.