Gerald Anderson dumalaw sa mga sugatang sundalo

By

Muli na namang pinahanga ni Gerald Anderson ang kanyang mga followers at fans sa isang short video na pinoste niya sa kanyang Instagram.

Nagpapakita ang video ng pagdalaw ni Gerald sa isang grupo ng mga naka-hospital robe sa isang theater.

Nakasulat sa caption ng IG name ng aktor na @andersongeraldjr na mga sundalo ang binisita nila.  Base sa hashtag nito mga #woundedsoldiers ang mga ito.

@andersongeraldjr, “Hukbong Katihan ng Pilipinas #woundedsoldiers”.

Ang mga nasabing sundalo ay galing sa giyera sa Marawi.

Makikita sa video na kinakausap, kinakamayan ni Gerald ang mga ito, nilalapitan at binibigyan ng mga grocery items.

Kasama ng Kapamilya actor ang ilan sa mga kaibigan at staff ng Philippine Army.

Sa isang photo posting ni Gerald kasama ang mga nasabing sugatan mula sa Marawi siege, sinabi nito ang kanyang nararamdaman sa maikling oras nang pakikipagkita at pakikipagusap niya sa mga ito.

“AFP Hospital visit…Hearing the stories of these men in Marawi fighting for us to stay safe was so inspiring..Showing them the trailer of the new military movie AWOL..so happy to bring them High Moral after all the sacrifices they have done for us. ‘Ang tungkulin ng isang sundalo ay hindi sa pagiging tapat sa serbisyo, ang pakikipaglaban para sa kabutihan’.”


Dahil sa malasakit na ito ni Gerald sa mga nasugatang mga sundalo sa Marawi lalong gumwapo ang aktor sa paningin ng kanyang mga tagahanga. 

SHARE