Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

George oras na para idispatsa

0 182

ISANG napakalaking pagkadismaya ang naranasan ng Los Angeles Cilppers nang masibak ng Denver Nuggets sa Game 7 ng nagdaang Western Conference semifinals kahit angat pa sila sa serye ng 3-1.

Hindi nagbunga ng maganda ang tambalang Kawhi Leonard at Paul George – oras na para itapon ang huli kapalit ng reliable na scoring point guard.

Pasok Kemba Walker.

SM food to go Banner Ad

Sa suhestiyon ni Andrew Hughes sa Hardwood Houdini, makabuluhan na umanong pakawalan ng Clippers si George kapalit ni Walker sa Boston Celtics.

“If the Paul George situation really is that bad, collecting a few draft picks to go along with a franchise point guard [Kemba Walker] under contract for the next three seasons is a good way to save face from what history would look back at as a disastrous transaction, ” paliwanag ni Hudges.

” Daniel Theis would be a solid addition at the center position if Montrezl Harrell walks in free agency. If Leonard bolts, Theis could also hit the open market having played on a likely top team out west.”

Bumagsak ang laro ni George sa NBA Bubble sa Orlando, Florida dahil aniya sa anxiety attacks dahil sa pagkakakulong sa Walt Disney World compound nang higit sa dalawang buwan. (Ferdz Delos Santos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.