Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

George ginawang asintahan ni Booker

0 277

PANIS si Paul George kay Devin Booker.

Bumomba si Booker, umikot at umangat para ibaon ang buzzer-beater at itulak ang Phoenix Suns sa 117-115 panalo kontra LA Clippers.

Nilista ng Phoenix All-Star guard ang 34th at 35th points sa harap ng disenteng depensa ni George.

Wala pang talo sa tatlong laro ang bubble Suns, 13th seed sa West at naimbitahan sa Orlando para makipagbalyahan sa No. 8. Una nilang biktima ang Wizards at Mavericks.

Nag-error ang pasa ni Clippers center Ivica Zubac at naiporma ang buzzer-beater ni Booker.

Sa Phoenix ang bola 31 seconds na lang pero hindi makaporma sa higpit ng D ng Clippers lalo ni Kawhi Leonard. Napuwersa si Ricky Rubio na bumitaw ng palobong tira pero sablay.

Dinamba ni Zubac ang rebound, minadali naman ang outlet pass na tinapik ni Mikal Bridges bago sinelyuhan ni Deandre Ayton ang possession ng Suns at ang final shot ni Booker na namigay pa ng 8 assists.

May 19 points at 7 rebounds si Ayton, 18 markers kay Rubio sa Suns.

Nagsumite ng 27 points si Leonard at 23 kay George sa LA. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.