Una sa Balita

GEOFF AT MAYA RELASYON, SOBRANG TAMIS!

By
Maya at Geoff Eigenmann
0 4

Obyus na sobrang saya ni Geoff Eigenmann sa piling ng girlfriend niyang si Maya. Hindi nga maikakaila sa mga lambingan photos ng dalawa, ang kaligayahan sa mukha ni Geoff.

Kung dati-rati, parang madalang nating nakikita si Geoff na pabebe o pa-charming sa mga dyowa niya, ngayon ay tila tumodo na nga si Geoff, sa pagpapakita ng love sa girlfriend niyang singer na si Maya.

Kunsabagay, sa kuwento nga ni Maya, kapag walang work si Geoff, madalas lang na nanonood ito ng mga gigs niya, hinihintay siya, at hinahatid pauwi. Ganun daw ka-sweet si Geoff kay Maya, ha!

Kaya si Maya, love na love naman si Geoff. Feeling nga niya, hindi na makukumpleto ang buhay niya, kapag nawala sa tabi niya si Geoff.

Ganyan nga ang birthday message niya kay Geoff nung March 23 (31 years old na si Geoff).

“@blushmaya: You are my soulmate, my partner and most trusted friend.

I can’t imagine how my life would be without you. Happy birthday @g_eigenmann_ I love you so much!” ang ubod ng tamis na say ni Maya.