Una sa Balita

GenTri LGU suportado ang nationwide smoking ban 

Sinimulan na kahapon ang nationwide ­smoking ban subalit may mga hindi pa rin makapag­pigil manigarilyo kagaya ng tatlong lala­ki na nakuhanan ng larawan habang nagyoyosi sa isang lugar sa Quezon City. (Art Son)
0 3

CITY OF GENERAL TRIAS — Pinangunahan ni Mayor Antonio ‘Ony’ Ferrer at ng City Health Office at City Environment Office katuwang ang Department Heads sa paglulunsad ng Smoke Free GenTri campaign na naaayon sa kampanya at program ni Presidente Rodrigo Duterte’s Executive Order (EO) No. 26 o Republic Act 9211 o mas kilalang Nationwide Smoking Ban at City Ordinance no. 15-04 na siyang magpapatupad dito.

Si Dr. Renato Escurel, City Environmental and Natural Resources Officer ang nagpaliwanag ng mga lugar na bawal ang paninigarilyo at kung sino ang mga awtorisadong mga deputized personnel na maghuhuli sa lalabag dito sa ordinansa. 

Bilang dagdag, pinaliwanag ni Dr. Escurel, ang natu­rang lungsod ay ‘di maglalagay ng smoking areas sa loob at labas ng City Hall at papatawan ng kaukulang parusa ang lalabag dito sa lahat ng kawani ng nasabing lungsod.