Una sa Balita

GENTLEMANyak

0 685

Nagpapasalamat ang pitak na ito sa National Economic Development Authority (NEDA) sa mabilis na aksiyon sa ‘SINO’ segment ng ­radio program namin sa ­Super Radyo DZ dobol B (594khz.).

Ito ay matapos na isapubliko natin ang reklamo ng isa nilang ­empleyado laban sa isang opisyal ng ­ahensiya na ­nam-molestiya sa kanya.

Hindi na na natin ide-detalye kung papaano nangyari ang sexual assault sa loob ng sasakyan ng opisyal. Ang mahalaga ay kinikilala ng NEDA ang batas kaugnay ng sexual harassment at nangako na ‘di nila kukunsintihin ang pang-aabuso ng kanilang opisyal.

Nanghihinayang naman ang ilan sa namuno sa NEDA noong araw, na sina Mareng Winnie Monsod at Romulo Neri. Anila, matalino ang opisyal na ito at hindi sila makapaniwala na siya pala ay sex predator sa kanilang opisina.

Tatlo pang emple­yado ang inaasahang lulutang at irereklamo na rin ang naturang opisyal.

CLUE:
1. Hawak niya ang bilyong pisong mga proyekto sa BUILD, BUILD, BUILD Project ng administrasyon;
2. Ang pangalan niya ay may letrang ‘R’ at ‘O’
3. Ang kanyang ­apel­yido ay may ­letrang ‘T’ at ‘P’.

BALITAWIT
Mahal kita walang iba (Ogie Alcasid)

Eto na naman ­nagbibiro…
Mga tambay ngayon, kanyang inuuto…
Na pag nakakita kayo ng Obispo,
Nakawan nyo sila, dami-daming pondo..
Huwag sanang ­pa­kinggan nyo
Baka siya ay ­nagbibiro
Ibang-iba, walang katulad ka..

REFRAIN:

Patayin kita, Patayin mo siya!
Wala na bang ibang alam, puro biro!!!
Patayin kita, Patayin mo siya!
Sa puwesto mo’y walang katulad nga, Digong ko…
At kung mayron kang pautang..
Nais ring patayin, mga bombay naman…
Hilig mo ba’y 5-6, ang offer sa iyo
Pangako pa nila, ­libreng palanggana

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy