Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

GenSan police chief minura, sinuntok mga tauhan

0 249

Sinibak ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang isang precint commander ng General Santos PNP matapos umano’y pag-atake nito sa kanyang mga bata o tauhan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Eleazar, pinagsusuntok at sinampal umano ni Police Captain Nemecio Calipjo Jr., hepe ng Police Community Precint (PCP) 8 sa Barangay Tinagacan, ang apat niyang Non-Commissioned Officer.

“I have already directed the RD, PRO12 to immediately relieve Police Captain Nemecio Calipjo, Jr. as commander of the General Santos City Police Precinct 8 while the investigation is being conducted against him,” pahayag ni Eleazar.

Base sa isa sa mga nagreklamong pulis, naganap ang insidente ala-1:30 ng madaling araw nitong Oktubre 31 nang dumating sa istasyon ng pulis si Calipjo at inutusan ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng formation sa harapan ng presinto habang hawak ang kanilang mga M16 rifle.

Kasabay noon ay pinagsusuntok at pinagsasampal nito ang kanyang mga tauhan at pinagbantaan pa umano niya na papatayin ang mga ito.

Nag-ugat ang galit ng hepe matapos na hindi umano aksyunan ng kanyang mga pulis ang reklamo ng isang residente na malapit sa hepe.

Sakaling mapatunayan ay mahaharap sa kasong administratibo at kriminal si Calipjo. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.