Una sa Balita

Genius pero lulong sa soap opera

0 195

HELLO po sa lahat-lahat dyan! This is Jopet of Pandacan, Manila. Hindi po ba dapat sisihin din ang mga tv station na sobra na yatang nagpo-focus sa mga soap opera progam? Kasi naman, sobrang naaadik na ang mga kapitbahay ko sa panonood ng mga ganong klaseng palabas.

Mayroon pa nga rito Iskolar ng bayan pero napabayaan na ang pag-aaral dahil masya­dong nahuhumaling sa mga soap ­opera na ‘yun.

Very updated siya sa mga teen star. Ako nga, ang dami ko nang hindi kilalang mga mukha sa showbiz. Nga pala, let’s call her “Nicole”.

Kapag type na type niya ang cast at nandoon ang favorite teen idol niya ay sobra nang kinikilig. Sayang ang batang ‘yun, first year college na pero dala pa rin ang parang high school style.

Nilakad pa naman ng parents­ niya na makakuha siya ng scholarship for this school year. Kapag ganun siya nang ganun, tiyak na sasadsad nang sasadsad ang grades niya.

Ewan ko lang kung hindi­ siya matanggalan ng scholar­ship.

Alam na alam ko ang kuwento nu’ng si Nicole dahil ang pamangkin ko ay kaklase niya. Dapat ay mas mataas ang disiplina ‘pag nasa college na tulad nang ginagawa ng kapatid at bayaw ko sa pamangkin ko.

Mahirap nang panghimasukan ang buhay ng iba pero dapat ay marunong sila sa time management.

Yours truly,
Jopet

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More