Una sa Balita

Generika asa kina Ceballos, Orendain

0 364

Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
3:00 p.m. — Opening ceremony
4:00 p.m. – UVC vs Foton
6:00 p.m. – Sta. Lucia vs Generika-Ayala

MAKIKILATIS ngayong araw ang nag-uumentong Generika-Ayala Lifesavers sa pagbubukas ng Philippine Superliga Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Impresibo ang inilaro ng Lifesavers sa All-Filipino Conference, makakalaban nila ang Sta, Lucia Realtors sa ala-6 ng gabi pagkatapos ng hatawan sa pagitan ng United Volleyball Club (UVC) at two-time champion Foton sa alas-4 ng hapon.

Subalit bago magbanatan ay paparada muna ang walong kasaling teams sa magaganap na opening ceremony.

Sumandal si head coach Sherwin Meneses kina Marivic Meneses, Fiola Ceballos at Patty Orendain upang sumampa ang Lifesavers semifinals bago yumuko sa powerhouse F2 Logistics squad.

Dahil sa ipinakitang tikas, naging markado ang Generika-Ayala sa 2019 edition ng PSL Grand Prix.

“Our confidence is high,” saad ni Meneses, na huhugot din ng lakas sa kanyang imports na sina open spiker Nikolle del Rio ng Brazil at middle blocker Kseniya Kocyvit ng Azerbaijan. “As much as possible, we want to give our local players a lot of opportunities in the Grand Prix. That’s why we tapped a middle blocker and an open spiker as imports. We want to reward our locals for a job well done in the previous conference.”

Ibabangga naman ni Lady Realtors mentor­ Babes Castillo sina reinforcements American spiker Molly Lohman at Casey Schoenlein
May bagong players ang Sta. Lucia, sina dating­ Adamson ace Amanda Villanueva at Ateneo libero Rio Lo. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy