Una sa Balita

Gen. Eleazar maraming beses nang napatunayan ang katapatan, integridad

0 407

Malakas pa rin ang buhos ng ulan dulot ng bagyong ‘­Tisoy’ kaya paalala sa ating mga kababayan mag-ingat at huwag nang lumabas ng bahay kung hindi naman importante.

Manatili rin tayong nakatutok sa mga kaganapan sa ating paligid upang sa ga­yon ay masiguro ang ating kaligtasan.

***

Unang linggo na pala ng Disyembre at hindi ko makakalimutan ang ­buwang ito dahil rito ko narinig ang pa­ngalan ni dating Lt. Colonel Guillermo Eleazar na ngayon ay isa ng heneral at ­tumatayong chief ng Directorial Staff ng Philippine National Police (PNP).

Taong 2003 nang mapabilib ako sa klase ng pagseserbisyo ni Gen. Eleazar sa PNP. Siya ay nasa PACER pa lamang noon o ang Police Anti-Crime and Emergency Response. Ang PACER ay elite anti-kidnapping group ng PNP noon.

Isang malaking kaso ng kidnapping ang kanyang hina­wakan. Ito ay ang kontrobersiyal na kaso ng pag-kidnap kay Jetro Uy noong 2003. Ibig sabihin 16 taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang bangungot sa pamilya ni Uy.

Pero sa kabila ng mahabang panahon ay hindi pa rin makalimutan ng pamilya Uy ang katapatan at integridad na ipinamalas ni Gen. Eleazar.

Sa kuwento ni ­Jethro sa isang radio interview, 3-anyos siya noon at hawak ng mga kidnapper ng 28 araw. Pero sa kabila ng matagal na negosasyon ay hindi sumuko si Eleazar na hindi ito mabawi.

Araw-araw ayon sa ama ni Jethro na si Henry ay kasama nila ang heneral sa pagpaplano kaya hindi sila pinanghihinaan ng loob.

Sa awa naman ng Diyos at dedikasyon ni Eleazar ay ligtas nilang nabawi si ­Jethro at naaresto ang mga kidnaper kaya abut-abot ang pasasalamat ng pamil­ya Uy sa heneral.

Kaya naman matapos ang matagumpay na operasyon at pagsalba kay Jethro ay nag-alok ang pamilya ng malaking halaga sa heneral bilang pa­sasalamat pero hindi nagpasilaw si ­Eleazar kaya lalong napa­hanga ang pamilya Uy.

Nasaksihan mismo ng pamilya Uy ang katapatan at integri­dad ni Eleazar sa pagtupad sa ­tungkulin kaya masaya sila ­dahil patuloy ito sa paggawa ng mabuti para sa bayan.

Ibinida rin ng biktima ng kidnapping na hindi lang sila kundi marami pa silang natulungan ni Gen. Eleazar ang saludo sa katapatan nito sa serbisyo na dapat mabigyan ng mas matatag na puwesto sa PNP.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More