Una sa Balita

Gen. Bautista sa DSWD, may ‘K’ – Palasyo

By
0 490

SINUPORTAHAN ng Palasyo si Army chief Rolando Bautista para maging susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, hindi dapat maliitin ang kakayahan ni Bautista.

Kaya aniya pinili ng Pangulo si Bautista ay ­dahil tiwala ito sa opisyal ng militar at hindi ­basta-basta natutukso ng katiwalian.

Sinabi ni Panelo na ang gusto ni Pangulong Duterte sa kanyang mga itinatalagang opisyal ay walang bahid ng katiwalian, may integridad at mapagkakatiwalaan.

“Ang sundalo maraming karanasan iyan sa ­lahat ng klaseng tao. Ang mahalaga diyan ‘yung nilalagay ni Presidente, eh mayroon siyang ­tiwala at incorruptible. Iyon ang pinakamahalaga kay Presidente, walang bahid ng korapsyon, may integridad at mapagkakatiwalaan niya at may alam,” ani Panelo. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy