Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gen. Abu top 4 boss ng PNP

0 98

ITINALAGA bilang number 4 man o chief directoral staff ng Philippine National Police (PNP) si Police Lt. Gen. Manuel Abu.

Sa inilabas na kautusan ng PNP kahapon na may petsang Mayo 14, pinalitan ni Abu na dating hepe ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO-Northern Luzon) si Lt. General Vicente Danao Jr. na ngayon ay officer in charge (OIC) ng PNP kapalit ni General Dionardo Carlos na nagretiro noong Mayo 8.

Si Abu ay miyembro ng Philippine Milaitary Academy (PMA) Makatao Class of 1989. Nasa ilalim ng kanyang liderato ang 11 Directoral Staff sa administering functional operations ng lahat ng National Support Units (NSU) at Police Regional Office (PRO).

Epektibo ang bagong posisyon ni Abu simula kahapon kasunod ng nakatakda niyang pagreretiro sa PNP sa Agosto 1, 2022. (Edwin Ba­la­sa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.