Una sa Balita

Gelli napa-OMG sa harap nina Inah, Jake

By
0 689

Hindi rin makapaniwala si Gelli de Belen na may walong taon na rin pala simula nang mag-goodbye sa ere ang morning talk show nila noon na “Sis” at halos walong taon na rin bago siya magbalik-Kapuso.

“Matagal din pala ‘noh?” gulat na sabi niya.

Eh, sa kanilang tatlo pa nina Janice de Belen at Carmina Villarroel, siya ang huling bumalik bilang Kapuso.

“Oo nga ‘no! Nahuli lang, naiwan! Ha ha ha!”

Sabi pa niya, “Masaya, familiar faces. Ang warm ng welcome na nandito ako ngayon. It’s so nice for me to be back here. Kapuso ako ulit, for now. Sana matagal-tagal, tingnan natin.”

Kung saan naman daw siya may opportunity, nagkataong may dumating, ang bagong afternoon prime nga ng GMA-7 na “Ika-5 Utos” na magsisimula nang mapanood sa September 10.

Napa-oh my gosh nga raw siya nang sabihin sa kanya na “Ika-5 Utos” ang gagawin niya na feeling niya, ‘yun agad, kaya raw ba nila. Eh, ang pinanggalingan ni Gelli, alam nila kung gaano kataas na rating ang naitatak ng “Ika-6 Na Utos” kaya umpisa pa lang, aminado na silang may pressure talaga sa bagong serye.

Ang bilis nga raw ng mga pangyayari na sa pagbabalik-Kapuso niya, malaking serye agad at nakasama na niya ang pamangkin na si Inah de Belen at ang boyfriend nito na si Jake Vargas.

Nagkataon pang siya ang gumaganap na nanay ni Jake. Kaya lalo siyang napa-OMG.

At ramdam daw ni Gelli na nao-awkward-an pa si Inah na magkasama sila at magkaeksena.

“Eh, tapos, ‘yung character ko pa, nanay ng boyfriend niya, so medyo mas nakakanerbiyos.”

Si Jake naman daw, mga dalawang beses pa lang daw siguro niyang nakikita bago nila gawin ang “Ika-5 Utos”. Pero tahimik lang daw kasi ito at nakikita raw niyang nahihiya pa.

Mabilis na “hindi!” naman ang sagot ni Gelli nang tanungin namin kung nakikita niya ang sarili niya noon kay Inah ngayon.

“Hindi, e kasi, mas kikay siya, mas pa-girl. Ha ha ha!”