Una sa Balita

Gelli nag-i-enjoy sa pananakit kina Valerie, Jean

0 696

abante-talbog-joe-barramedaMarathon ang taping ng Ika-5 Utos dahil sa nalalapit na Christmas break, na ginagawa talaga ng lahat ng teleserye. Paalis din kasi ang mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera pa­puntang Canada para dalawin ang dalawang anak na nag-aaral doon, at doon na rin sila magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Pero Jan. 2 ng madaling-araw ay babalik na ang mag-asawa dahil may taping agad si Gelli.

Nag-i-enjoy si Gelli sa mga kasamahan sa teleserye mereseng away at sampalang umaatikabo ang madalas na eksena nila nina Valerie Concepcion at Jean Garcia. Kahit nagkakasakitan na sila ay tanggap daw nila na nangyayari ‘yun at walang problema sa kanila.

 

Tito ni Jeric nilooban, pinatay

Ang batikang direktor na si Laurice Guillen ay mas nakatutok sa mga kabataang artista na hinuhubog niya na maging magaling sa pag-arte gaya nina Jeric Gonzales, Jake Vargas, Inah de Belen at Kim Rodriguez.
Kaya naman napakalaki ng improvement nila sa pag-arte at nagagawa nila ng bonggang-bongga ang bawat eksena nila.

Siyanga pala, kinagabihan ng taping nu’ng dumalaw ako last Tuesday ay isang masamang balita ang natanggap ni Jeric dahil nilooban ang isang uncle niya sa Quezon province na ninakawan na, pinatay pa.

Hindi naman nagpaapekto si Jeric sa masamang balita at itinuloy pa rin niya ang trabaho niya, although hindi raw mag-sink in sa kanya ang pagkamatay ng tiyuhin na wala naman daw kaaway. Pasko pa naman.
Ang aming pakikiramay…

 

Rayver, Juancho agawan kay Kris

Time out muna sa pagiging good friends in real life ang GMA actors na sina Rayver Cruz at Juancho Trivino dahil sa Asawa Ko, Karibal Ko bilang sina Gavin at David, balik sila bilang magkaribal sa puso ng karakter ni Kris Bernal bilang si Rachel. Mukhang matindi-tinding labanan ito, ha! Pero ang mga kababaihan sa programang ito na sina Rachel at Venus (Thea Toletino), mukhang mas malala ang labanan ha.

 

Ruru, Kylie balik tambalan sa 2019

Siguradong masaya ang pasok ng 2019 para sa mga fan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid dahil sa upcoming show niya na TODA One I Love. Matagal na nilang pinapangarap ‘yan at heto na nga.

Pero alam niyo ba na hindi lang basta-basta bibida dito si Ruru dahil balita namin, siya rin pala ang kumanta ng isa sa mga theme song ng nasabing GMA News and Public Affairs series. Tuwang-tuwa nga ang binatang aktor dahil for sure ikaka-LSS o Last Song Syndrome na naman ito ng mga Kapuso viewers.

Taray ha, pasabog agad-agad para sa susunod na taon ang hatid mo, Ruru! Abangan si Ruru sa TODA One I Love kasama sina Kylie Padilla, David Licauco, Gladys Reyes, Victor Neri, at marami pang iba sa GMA Telebabad!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy