Una sa Balita

Gelli, Janice, nakiusap ng pribadong pagluluksa…

0 3

Tahimik na nagluksa si Janice de Belen sa pagyao ng kanyang ina nung Sabado (March 19) na si Mrs. Susan de Belen.  Pumanaw si Mommy Susan (tawag sa kanya sa showbiz) sa edad na 67.

Sa kanyang Instagram post, isang simpleng mensaheng “I love you Mommy, I will miss you” ang sinulat ng aktres na caption sa larawan ng kanyang ina. Hindi na naglagay ng anumang detalye si  Janice sa kung ano ang ikinamatay ng Mommy niya at kung saan ito nakaburol, dahil gusto niyang maging tahimik o maging pribado ang kanilang pagluluksa.

Pero hindi itinago ni Janice ang kaganapan sa kanyang ina sa ilang larawan ding pinost niya sa IG niya na kuha sa ospital kung saan na-confine ang Mommy niya. Ilang larawan din ‘yun na ang ilan ay kasama pa niya si Gelli at ang Mommy Susan nila.

Sa mga fans at mga taga-showbiz na nakakakilala kay Mommy Susan, ito ang madalas na kasa-kasama noon ni Janice. Mula sa mga taping ng show hanggang sa paggawa ng pelikula ay laging umaalalay si Mommy Susan sa anak.

Nang mag-artista si Gelli, ito naman ang sinasamahan ni Mommy Susan sa lahat ng commitments nito. Tahimik lang si Mommy Susan sa mga issues na pinagdaanan nina Janice at Gelli, lalo na ang una, sa lovelife nito.

Kapag natatanong ng press si Mommy Susan kaugnay sa lovelife nina Ja­nice at ni Gelli, ngiti lang at halakhak ang isinasagot nito.

Nang magkaroon na ng kanya-kanyang pamilya sina Janice at Gelli, tumigil na rin sa pagsama-sama niya si Mommy Susan sa mga anak. (REY PUMALOY)